Wednesday, January 26, 2011

Hindi aq matalino, mahirap ako!

Napakaraming tao ang may gustong kung hindi man makapagtapos ay sana man lang makapag-aral.

Isa sa mga pinakapopular na kasabihan natin ay, "hindi hadlang ang kahirapan sa pag-aaral." Sa tuwinang maaalala q ang kasabihang ito, aq ay napapangiti kung hindi man naiinis sapagkat sa kabila ng katotohahan ng kasabihan nito, sadyang hindi nga hadlang ang kahirapan sa pag-aaral ngunit ito naman ay isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit "ayaw" mag-aral ng karamihan.

Sa totoo lang, maraming pagkakaiba ang hadlang sa ayaw depende na rin sa pilospoiya ng mga iba't ibang may gustong magbigay ng kahulagan sa mga katagang ito.

At dahil sa pagkakaiba nito gusto ko lang ibahagi ang aking naging karanasan sa akademiya na kung saan, ako ay hanggang ngayo'y napapaisip kung ano ang kaibahan, kung sakaling ako'y nagkaroon ng pagkakataon nuong ako'y nag-aaral pa.

Nuong ako'y nasa elementarya, nabigyan aq ng pagkakataong mag-aral sa Manila partikular na sa Mapayapa Academy sa Quezon City, sapagkat ang aking tatay ay nadestino sa Manila upang magtrabaho. Isa ako sa mga masayang nagtatapos sapagkat umaakyat ako sa entablado na may karangalan.

Ngunit pagtungtong q ng Grade 3, nalipat aq sa probinsya, partikular na sa Lasam Central School sapagkat natapos na ang kontrata ng aking tatay sa Manila. Sa taong iyon, nanibago ako, sapagkat nawala ang aking mga matalik na kaibigan. Nawalan ako ng mga gusto at may gustong makalaro. At sa taon ring iyon, nawala ang isa sa mga pinakamamahal sa aking buhay, ang aking nanay. Ang pagkawala ng aking nanay ang nagdulot ng napakalaking pagbabago ng aking buhay sapagkat siya lang ang tanging nagbigay ng pagpapahalaga sa akin.

At dahil sa mga pangyayaring iyon, naranasan kong malipat sa napakababang pangkat, hindi dahil mababa ang aking grado, ngunit dahilan na rin sa gusto kong makasama ang mga bagong kakilalang kaibigan.

Isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari ay nuong malapit na ang pagtatapos nuong Grade 5 kami. Bigla na lang akong pinatawag ng aming adviser kasama ng isa sa aking mga classmate. Tinanong niya ako kung gusto kong mapasali sa mga may "honor". Sabi q "hindi" sapagkat hindi ako interesedo at nuong panahong iyon, hindi mahalaga sa akin ang may "ribbon", sapagkat hindi q rin alam sa panahong iyon ang kahalagahan ng may "ribbon".

Nagreklamo ang aking klasmeyt, "Ma'am, ako daw dapat ang may ribbon sabi ng , lola ko."

Tinanong ng aking guro, si Ma'am Delia Adolfo, kung ok lang sa akin, na siya na lang ang may "ribbon".

"Ok lang mam." sabi ko, ng wala ng iba pang mahabang usapan. Sapagkat wala nga akong alam sa mga panahong iyon ang kahalagahan ng umaakyat sa entablado na sinasabitan ng parangal.

Napakaswerte ko sapagkat sa mga panahon ngayon, mga magulang ang nagtatalo talo upang magkaroon ang kanilang mga anak ng karangalan at ang mga iba'y nanunuhol pa, ngunit ang aking guro mismo ang nagtanggol sa akin upang ako ang mabigyan ng karapatan upang masabitan.

"Hindi. Sa pagkatagal tagal kong naging guro, ngayon ko pa lang naranasan na may magrereklamo sa akin na mali ang aking komputasyon. " sabi ni ma'am. "Kung gusto mo, ilabas ko lahat ng mga records niyo upang patunayan na wala akong naging kamalian?" medyo galit na si ma'am. Walang nagawa ang aking klasmeyt kundi NAPAIYAK na lamang.

Mas lalong naging kumplikado ang aking sitwasyon nuong dumating ang enrollment sapagkat hindi ako makapag enrol dahil hindi pa pirmado ang aking clearance. "Sapilitan" (mandatory)  kasing magdonate ang mga nasa Top 10 nuon kaya nga ayaw na ayaw kong mapabilang duon.

Nuong graduation sa elementary, tuwang tuwa ako. Hindi dahil wala na ako sa Top 10, kundi dahil "wala na akong po-problemahin."

Kung nagkaroon ng pagkakataon ang aking mga ka-edad na maglaro nung kapanahunang nasa kasagsagan ang aking kabataan sa paglalaro, ako'y nasa bukirin, (wala na kaming pag-aaring bukid sapagkat naisanla at tuluyang naibenta ng aking mga magulang para sa pag-aaral ng aking nakatatandang kapatid), nag-aani ng mga tuluyan lang tumubong mga palay (adas sa iluko) upang magkaroon ng kahit papaano’y may maibebenta, at magkaroon ng pera.

(to be continued... haha)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

LinkWithin